PAYO NG ISANG LOLA SA MGA DALAGA
payo ng isang lola sa mga dalaga:
ang iyakan mo'y ang mahal mong ama't ina
na todo ang gapang upang mairaos ka
at di ang guwapong syotang iyong sinisinta
na ginagapang ka nang makaraos siya
sadyang kayganda ng payo nitong matanda
na pagmamahal sa magulang ang adhika
sa mga dalagang basal pa at sariwa
upang di maputikan at mapariwara
upang maingatan ang puri't di masira
pagpupugay sa lolang iyon na marahil
may mga karanasang ang anak ay sutil
at saksi siyang may mga anak na taksil
at ang payo niya'y upang mali'y masupil
- gregbituinjr.
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Meryenda
MERYENDA meryenda ko'y pandesal at tsaa habang may naninilay tuwina na samutsaring paksa ng masa na sinusulat ko kapagdaka madaling araw...

-
ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA Maikling sanays...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
"Think lightly of yourself and think deeply of the world." ~ Miyamoto Musashi ang sarili'y huwag mo gaanong pakaisipin kund...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento