NAPULOT MAN AKO SA TAE NG KALABAW
napulot man ako sa tae ng kalabaw
ako'y isang tao rin sa mundong ibabaw
na maagang gumising sa madaling araw
upang agad magtrabaho kahit maginaw
mapalad naman ako't may mga umampon
at itinuring akong anak nilang bugtong
mag-asawang walang anak, sa utang baon
ngunit kaysisipag, sa bukid lumulusong
silang nagisnan ko nga'y mapagkawanggawa
mula pagkabata ko'y mga nag-alaga
binihisan, pinag-aral, lahat ginawa
upang ako nama'y makadamang ginhawa
kaya ako'y labis na nagpapasalamat
sa kanilang naglunas sa pusong may sugat
may ligaya sa diwa kong maraming pilat
pagkat sila'y dakila't tunay na alamat
- gregbituinjr.
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-16 na death monthsary ni misis
SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS Lagi kitang nasa alaala, O, aking sinta't tanging asawa! Itinutula ko'y pagmamahal. Tila ba ...
-
ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA Maikling sanays...
-
ISANG KAHIG, ISANG TUKA tulad daw ng manok / ang buhay ng dukha pagkat sila'y isang / kahig, isang tuka sa bawat pagkilos / ay kakaing s...
-
BUWAYA tila buwaya'y mukhang Lacoste pangmayaman, pangmay-sinasabi: ang "Their Luxury, Our Misery" na patamà sa mga salbahe i...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento